P11M shabu, nasabat sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2017 07:57 PM

Tiklo sa isang buy-bust operation sa Quezon City Biyernes ang tatlong lalaki na may dalang 4.6 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P11 milyong piso.

Arestado ang mga suspek na sina Darwin Sabangan, Junmar Gopo, at Eugene Ludovice matapos makuha sa kanila ang P6,000 na marked money at 5 bag ng iligal na droga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, iniimbak ng mga suspek ang mga panindang shabu sa isang nirerentahang condo unit bago ito ibenta sa ilang parte ng Caloocan, Malabon, at Quezon City.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang ibang kasabwat ng tatlong suspek sa pagtutulak ng droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.