Barkong maghahatid ng relief supplies, nakarating na sa Ormoc

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2017 08:39 AM

Nakadaong na sa Ormoc Sabado ng umaga ang barkong naghatid ng relief supplies para sa mga nasalanta ng malakas na lindol.

Karga ng BRP Batak ng Philippine Navy ang 9,307 litro ng tubig, 11.2 tonelada ng iba't-ibang relief goods mula sa Cebu Chamber of Commerce and Industry at ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, at 40 tonelada ng malinis na tubig mula sa Philippine Navy.

Nagtulong-tulong ang mga sundalo upang ikarga sa mga sasakyan ang mga relief goods, na dadalhin muna sa City Hall ng Ormoc at ipamimigay sa mga biktima ng lindol.

Naglayag ang BRP Batac mula Cebu City, Biyernes ng gabi.

Huwebes ng hapon nang yanigin ng magnitude-6.5 na lindol ang Leyte, kung saan dalawa ang kumpirmadong naitalang nasawi sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.