Naaresto noong Miyerkoles sa Rodriguez, Rizal ang isang traffic enforcer na 4 na taon nang hinahanap dahil sa kasong rape, ayon sa pulisya.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), kinasuhan noong 2018 ang dating Metropolitan Manila Development Authority enforcer na si Reynaldo Rigor, 39, dahil sa umano'y panggagahasa sa isang 14 anyos.
Nang sampahan ng kaso, hindi na pumasok sa trabaho at nakita ang suspek.
Pero natunton sa may Rodriguez si Rigor sa tulong ng police intelligence information, ayon kay QCPD public information officer Maj. Wennie Cale.
Sa pagkakahuli, humingi ng tawad si Rigor sa kaniyang biktima at mga kamag-anak nito.
— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.