PatrolPH

Bagong Transport chief, pinayuhang rush hour sumubok mag-MRT

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2022 06:50 PM

MAYNILA - Dapat maranasan ni Transport Secretary Jaime Bautista ang pagsakay ng MRT-3 tuwing rush hour, ayon sa isang commuters' group. 

Tugon ito sa sorpresang pagbisita ni Bautista at pagsakay ng MRT-3 noong hapon ng Lunes.

Ayon sa convenor ng The Passenger Forum na si Prime Morillo, dapat makita ni Bautista ang sitwasyon ng mga pasahero tuwing rush hour. 

"Kaya kailangan rush hour siya mag-inspect kasi 'yun 'yung worst ang sitwasyon. Du'n niya makikita gano katagal 'yung pila, du'n niya makikita ga'no kahaba," ani Morillo. 

Pasado ala-1 ng Lunes nag-ikot si Bautista sa iba't ibang istasyon ng MRT at kumausap ng ilang pasahero. 

Sa pagbisita ni Bautista, dumaan siya sa Kamuning, Shaw, at Taft stations. 

Ibinahagi sa kaniya ng mga pasahero ang tagal ng pagpila at nakausap din ng kalihim ang mga teller. 

Pinadaragdagan ni Bautista ang Commuter Welfare Desk, x-ray machine at emergency medical technicians. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.