PatrolPH

Ilang bahagi ng Banaue, Ifugao nakaranas ng matinding baha

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2022 10:47 PM | Updated as of Jul 08 2022 06:59 AM

Watch more News on iWantTFC
Kuha ni Nona Mia Nicampo

(UPDATE) Binaha ang ilang bahagi ng Banaue, Ifugao sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nitong Huwebes ng hapon.

Sa video na kuha ni Nona Mia Nicampo, sa lakas ng pagragasa ng baha sa kalsada ay tinangay pati ang isang motorsiklo.

“First dito sa Banaue, pati na vehicle ay inaanod,” sabi ni Nicampo sa kaniyang post.

Nakunan din ng video ni Aika Guyao ang pagbaha kung saan nagmistulan nang ilog ang mga kalsada.

Ang ilang may-ari ng tricycle, sinubukan pang itali ang kanilang sasakyan para hindi tangayin ng baha.

Makikita rin sa video na nagmistulan nang talon ang isang bahay na nasa mataas na bahagi matapos itong pasukin ng tubig.

Watch more News on iWantTFC

Malapitan naman itong nakuhanan ng video ni Ruben Bunuan Jr.
Sa kanyang video, makikita rin ang pagreskyu sa mga pasahero ng isang FX na natrap sa rumaragasang baha.

Humupa na raw ang pagbaha bandang alas-7 ng gabi at ambon na lang ang nararanasan.

Pero hindi pa rin daw nila maiwasang mag-alala sa posibilidad na muling lumakas ang ulan.

“Medyo nag-aalala pa po kung sakali na uulan pa ulit. May mga ibang part po na landslide sa mga ongoing riprap po, kaya nagkaroon po ng pagbara sa mga drainages,” ani Bunuan.—Ulat ni Harris Julio

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.