BARCELONA - Nakilahok sa kauna-unahang Cuentos del Mundo o Stories of the World ang Pilipinas. Ginanap ang storytelling event para sa mga bata sa Plaza del Teatro ng Raval district sa Barcelona nitong July 2.
Ang Cuentos del Mundo ay inorganisa ng Vila del Llibre kasama ang Office of Cultural Affairs ng Barcelona City government. Layon ng aktibidad na mabigyan ang mga kabataaan ng Barcelona ng kaalaman tungkol sa kultura ng ibang bansa sa pamamagitan ng sining ng pagkukuwento.
PCG Barcelona photo
Ang malawak na cultural diversity at ethnic background ng mga residente ng Raval, kasama rito ang libo-libong Pilipinong nakatira roon, ang nagbigay ng mas malalim na kahulugan ng storytelling event. Hindi lang mga Espanyol ang nakilahok kundi maging ang iba-ibang nasyonalidad.
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Ibinatay ang mga wikang ginamit sa storytelling sa mga malalaking ethnic groups ng Raval. Dumalo rin ang Philippine Consulate sa Barcelona para magbigay ng suporta sa Filipino community.
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Nagkwento ng classic na Filipino folktale “Ang Alamat ng Bahaghari” si ABS-CBN News Correspondent na si Sandra Sotelo-Aboy.
“Since it will be in Tagalog and the audience will not understand it, I chose something very visual such as painting the sky with the colors of the rainbow,” sabi ni Sotelo-Aboy.
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Bukod sa Tagalog, tampok rin ang mga kwentong binasa sa wikang Bengali, Ingles at Hindi. Karamihan sa mga nakinig ng kwento ay mga ikalawa at ikatlong henerasyon ng anak ng mga migrante sa Spain.
Masayang pinakinggan ng mga bata ang istorya ng “Ang Alamat ng Bahaghari” habang ikunukuwento ito ni Sotelo-Aboy.
Ang mga karakter ng kwento, tulad ni Bathala at ang Pitong kulay ng bahaghari, ang pumukaw sa imahinasyon ng mga batang nakinig.
Photo courtesy of Sandra Sotelo-Aboy
Dahil sa tagumpay ng Cuentos del Mundo, balak ng organizer ng event na ulitin ito pagkatapos ng tag-init at maging sa kapaskuhang darating.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
(Source: DFA website)