CUENCA, BATANGAS - 21 arko na may habang 15 metro bawat isa ang naging tampok sa katatapos na Banderitas Festival sa Cuenca, Batangas.
Ideya ito ng dating Filcom leader sa Germany na si Villalon Dizon. Noong 2016 pa naisipan ni Dizon na gawin ang proyektong ito para sa kanyang bayan.
Photo courtesy of Ver Cuizon
(Kaliwa) Ang dating Filcom leader sa Germany na si Villalon Dizon kasama si TFC correspondent Ver Cuizon sa Cuenca, Batangas | Photo: Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of
“Noong 2016 ng dumating kami rito sa Pilipinas nagpatayo na po ako dito ng mga banderitas mula April hangang fiesta na po yan.” kwento ni Villalon Dizon, pangulo ng KAMPAYGA.
Taong 2018 daw ng mapag- usapan nila ng kanyang kumpare na kailangan na nila masiluman ang banderitas contest.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Nais maibalik ng KAMPAYGA o Kami’y Pag-asa, Yaman at Gabay ang kultura nilang nakagisnan.
“Para po mapaganda namin ang Cuenca,” sabi ni Eulalia Lopez, pangulo ng KAMPAYGA.
Bukod sa magastos, matagal din nilang nagawa ang mga arko.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
“Ginawa po natin ito ng isa’t kalahating buwan po para po mabuo at mapatibay ng maayos. Yung iba po’y donation tulad po ng mga kawayan natin, ‘yun po ang naging tulong. Siguro po ang nagastos namin ay mga 40 thousand po,” sabi ni Erikson Palines, contestant.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Photo courtesy of Ver Cuizon
Malaki umano ang naitulong ng ganitong events ‘di lang sa turismo kundi para maimbsan ang kahirapan at lungkot na nararamdaman ng mga taga-Cuenca bunsod ng pandemya.
“Nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nagpupuntahan sa mga ibang lugar. Kasiyahan ng mga taong nalungkot ng dalawang taon,” sabi ni Diana de Jesus, residente ng Cuenca.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Kumikita din sa pagtitinda sa ilalim ng arko ang mga mamamayan dito.
“Hindi lahat po rito ay mayayaman, nakakatulong po sila sa kabuhayan, ‘yon nga po tulad ng sabi ko sa inyo yung hindi makapunta sa mall dahil mahal ang pamasahe, nagsisikap po sila dito lalo na sa gabi,” sabi ni Mary Rhotsie Lopez, SK Kagawad.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Bukod sa ayudang limang libong piso sa mga contestant, ang nanalo ay tumanggap ng animnapung libong pisong premyo sa first prize at consolation cash prizes sa second at third placer nitong May 15 na ipinamigay sa mismong pista ng Cuenca.
Photo courtesy of Ver Cuizon
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.