Ang mga nasabat na carnivorous plants ay kabilang sa "critically endangered" na mga halaman, ayon sa DENR. Larawan mula sa Bureau of Customs
MAYNILA - Aabot sa 276 smuggled na carnivorous plants na itinuturing na "critically endangered" ang nasabat nitong linggo sa warehouse sa Pasay City.
Mula pa sa the Netherlands ang mga carnivorous plants na naipasok sa bansa nitong Lunes, ayon sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) na nakahuli sa kontrabando kasama ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nagkakahalaga umano ang mga halaman ng P150,000.
Sa physical inspection, nadiskubre sa 10 packages ang iba't ibang uri ng mga halaman na wala umanong kaukulang sanitary at phytosanitary import clearance at permit mula sa DENR.
Kabilang sa mga halamang ito ay Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, at Cephalotus.
Ayon sa DENR, ang naturang mga carnivorous plants ay idineklara nang mga critically endangered at kabilang sa mga rare at most endangered plants sa buong mundo.
Sa ilalim ng Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act o RA 9147, mahigpit na ipinagbabawal ang pangongolekta at pagbebenta ng mga insect-eating plants.
Sinabi ng BOC na bukod sa paglabag sa RA 9147, may paglabag din sa Customs Modernization and Tariff Act ang mga nagpasok nito sa bansa.
Hindi naman tinukoy ng BOC kung sino ang nagpadala nito at kung para kanino.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng DENR ang nasabing mga carnivorous plants.
-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Bureau of Customs, BOC, smuggled carnivorous plants, carnivorous plants, Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, Cephalotus, tagalog news, patrolph, Tagalog news, Tagalog, critically endangered plants, smuggled plants