MAYNILA — Kailangan na ulit magpresenta ng negative COVID-19 tests ang mga turista sa tuwing bibiyahe, paglilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles.
Ito'y matapos ianunsiyo ng IATF noong Lunes na maaari nang gamitin ang vaccination card para makalusot sa destinasyon.
Pero dahil sa agam-agam ng mga lokal na pamahalaan na hindi umano kinonsulta, balik sa dati ang direktiba.
"Bago niyan, ang dati nating resolution ay meron tayong testing... Sa ngayon, ibabalik muna natin doon (testing requirement)," ani Health Secretary Francisco Duque sa TeleRadyo.
Matapos ng panayam ni Duque, naglabas ng pahayag ang DOH at sinabing "status quo" muna at balik ang pagpepresenta ng COVID-19 result.
"This means LGU can still require testing as a requirement to entry. Status quo," ayon sa ahensiya.
Sabi ni Duque, magpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan sa Huwebes para isapinal ang polisiya sa pag-travel ng mga turista.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, TV Patrol, TV PATROL TOP, biyahe, COVID-19, turismo, tourism, IATF, DOH, Francisco Duque, Department of Health, travel protocol, vaccination card, RT-PCR