PatrolPH

1 patay, 1 sugatan nang tamaan ng kidlat sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 11:14 AM

Patay ang isang mangingisda habang isa naman ang sugatan matapos silang tamaan ng kidlat sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur Martes ng hapon.

Dead on arrival ang 25 anyos na biktima habang nagpapagaling naman sa ospital ang kaniyang kasamahan, ayon sa pulisya.

Ayon kay Police Capt. Jose Bandong II ng Tagudin police, nag-aayos ng lambat ang mga biktima ng mangyari ang insidente sa Barangay Tampugo alas-4 ng hapon.

"Nag-aayos sila ng kanilang fish net. Lumalakas na ang ulan at kumikidlat na. Sa kasamaang palad ay natamaan sila ng kidlat," ani Bandong.

Wala aniya nakitang sugat sa katawan ng 2 biktima at sadyang malakas na electric shock ang tumama sa mga ito. 

Payo niya sa publiko, kung hindi maganda ang panahon ay manatili na lamang sa loob ng bahay para maiwasan ang ganitong insidente.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.