PatrolPH

Halos P28-M halaga ng droga, nasamsam sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 08:24 PM

CEBU CITY - Umaabot sa halos P28 milyon ang nasamsam ng awtoridad nitong Miyerkoles mula sa isa umanong "high-value target" sa Cebu City. 

Inaresto sa isinagawang anti-illegal drug operations ng Lapu-Lapu City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Babag II si Roldan Rosales alyas Shakira, na 26 anyos. 

Monitored personality daw ng Philippine National Police Central Visayas si Rosales. 

Nakuha raw kay Rosales ang 4.1 kilos ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa P27.88 million ang street drug price.

Dinala na sa Lapu-Lapu City Police Office ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

- Gracie Rutao 

PANOORIN

Watch more News on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.