PH Coast Guard tinapos na ang paghahanap sa 14 mangingisda ng Liberty 5

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 06:04 PM | Updated as of Jul 07 2020 08:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAMBURAO, Occidental Mindoro — Tinapos na ngayong Martes ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and retrieval operations sa 14 na nawawalang Pinoy na sakay ng lumubog na fishing boat na F/V Liberty 5 sa Occidental Mindoro.

"Sa ngayon po ite-terminate na po namin mamaya 'yung aming search and retrieval pero once po na merong development na kung may lumutang po eh i-activate po ulit namin itong search and retrieval," ani PCG-Southern Tagalog commander Commodore Leovigildo Panopio. 

Sabi sa Teleradyo ni Panopio, nasampahan na nila ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property ang mga tripulanteng Chinese na nakabangga sa lumubog na fishing vessel.

Ayon kay Panopio, idudulog nila sa Prosecutor's Office na mabigyan sila ng urgent motion para sa hold departure order laban sa 7 opisyal ng Hong Kong registered vessel na Vienna Wood.

Nakuha na rin aniya ang voice data recorder at rerepasuhin ito ng marine casualty investigating team.

Nakapagbigay na rin ng sworn statement ang mga testigo at ngayo'y nasa piskalya na. —Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.