P600,000 'shabu' nasabat sa warehouse sa Pasay City

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 04:22 PM

MAYNILA - Nasabat ang aabot sa P600,000 hinihinalang shabu mula sa isang warehouse sa Pasay. 

Idineklara bilang mga card game ang mga kontrabando nakatakdang ipadala umano sa Albay at Cabanatuan. 

Kalauna’y natuklasan ang iligal na droga sa loob ng kahon.

Sa pagsisiyasat ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpirmang shabu ang laman ng mga parcel na galing pa umanong Amerika. 

Bukod sa hinihinalang shabu, nasamsam din ng Bureau of Customs ang ibat ibang kemikal sa paggawa ng shabu. 

— Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.