Mag live-in partner patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 12:29 PM | Updated as of Jul 07 2020 02:45 PM

Patay ang isang mag live-in partner sa pamamaril sa Sitio Buli, Barangay Riza sa San Carlos City, Negros Occidental nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, suspek sa krimen ang nakakatandang kapatid ng lalaking biktima, na kinilalang si Joselito Mahinay Hisman. Sa imbestigasyon, pinagmulan ng away ng magkapatid ang pera mula sa ibinenta nilang mangga.

Ayon kay Police Maj. Mark Angelo Junco, hepe ng San Carlos City Police, posible raw hindi napigilan ng nakatatandang kapatid ang galit sa biktima kung kaya’t nabaril niya ito. 

Nabaril din si Maricel Lumayno Alastra, ang live-in partner ni Joselito. 

Dahil nasa bundok na ang lugar, huli na nang malaman ng kapitbahay ang nangyaring krimen.

Narekober sa crime scene ang tatlong basiyo ng bala.

Patuloy na pinaghahanap ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.