Lola, 80, ginahasa sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 01:59 PM | Updated as of Jul 07 2020 02:56 PM

MANILA — Inaresto ng mga awtoridad ang isang magsasakang nanggahasa umano sa isang 80-anyos na lola sa Aborlan, Palawan, sinabi ng pulisya, Martes. 

Kabilang sa tribong Tagbanua ang biyudang biktima at pauwi na sana sa kaniyang kubo matapos manguha ng nipa nang kaladkarin siya ng 42-anyos na suspek sa madamong lugar.

Nagsumbong sa mga awtoridad ang biktima sa tulong ng kaniyang anak nitong Biyernes at nahuli kalaunan ang suspek. Inihahanda na ang kaso laban dito. 

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

RELATED STORIES:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.