Binaril, tinaga, sinunog: Sundalo, brutal na pinatay sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 02:27 PM

Isang sundalo ang brutal na pinatay ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Motiong sa Samar, Lunes ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon mula sa tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na si Captain Reynaldo Aragones, binaril, tinaga at sinunog pa ang bangkay ng sundalong hindi muna pinangalanan.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang sundalo at kasamahan nito alas-7 ng umaga sa Barangay Canvais patunong munisipyo para sa isasagawang community support program nang harangin ng nasa 30 na mga umano’y rebelde.

Patuloy na tinutugis ng awtoridad ang grupo para papanagutin sa krimen.