90 hawksbill turtle hatchlings pinakawalan sa Zamboanga del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 12:06 PM

 

Pinakawalan ng mga awtoridad ang 90 hawksbill turtle hatchlings sa baybayin ng Barangay Alindahaw, Tukuran, Zamboanga del Sur nitong Lunes. 

Ayon sa Facebook post ng Department of Environment and Natural Resources Zamboanga Peninsula, natagpuan ng dalawa nilang Bantay Dagat personnel ang mga hatchling habang nagpapatrolya sa naturang barangay. 

“In order to protect the hatchlings from stray animals, they collected the turtles and gave it to the fish warden who immediately called Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) of Ramon Magsaysay for assistance,” sinabi ng ahensiya sa Facebook post.

“Responding CENRO personnel recovered 90 turtle hatchlings and immediately released them back to the sea,” dagdag pa nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.