State of calamity, idineklara sa Legazpi City dahil sa rabies

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 05:17 PM

LEGAZPI CITY, Albay - Isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Legazpi dahil sa rabies.

Noong Hunyo 24 idineklara ang state of calamity sa lungsod. Ngayong buwan inaasahan ang mass anti-rabies vaccination sa mga aso sa lungsod.

Bagama't isa pa lamang ang kaso ng rabies sa Legazpi City, nakababahala ito ayon sa acting city veterinarian na si Dr. Manny Estipona.

Aabot sa 14,000 mga aso ang kailangang bakunahan. Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ang pondo ng lungsod para rito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.