PatrolPH

PANOORIN: Higit 1,500 residente ng QC may 'alay-lakad' vs droga

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 03:15 PM

MAYNILA — Nagkaisa ang aabot sa 1,500 residente ng Barangay Culiat, Quezon City para magsagawa ng "alay-lakad" kontra ilegal na droga nitong Linggo.

Ayon sa mga dumalo, 2016 pa nila sinimulan ang taunang martsa, na isang paraan nang pagpapakita nila ng pagtutulol sa paggamit ng droga. 

"Malaking naitutulong nito, more on awareness, mula kabataan hanggang sa matatanda," sabi ni Victor Bernardo, chairman ng Bgy. Culiat.

Pagmamalaki ng barangay, bumaba na ang bilang ng mga krimen at kaso ng droga sa Culiat kumpara noong 2016.

Dahil umano ito sa pagtutok nila sa mga drug surrenderer at pakikipagtulungan sa pulisya.— Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.