Lalaki timbog sa pagnanakaw sa Misamis Oriental

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 02:39 PM

Timbog ang isang lalaki matapos manloob ng bahay sa El Salvador City, Misamis Oriental habang natutulog ang mga nakatira roon noong Biyernes ng madaling araw.

Kinuha ng 21-anyos na suspek ang 2 cellphone at tinangka pa umanong molestiyahin ang babaeng menor de edad na anak ng may-ari ng bahay na noo'y natutulog sa sala.

"Nakasigaw ang menor de edad kaya dali-daling tumakbo ang suspek," sabi ni Police Master Sgt. Rodel Licera, investigator ng El Salvador Police.

"Kilalang magnanakaw dito ang suspek," dagdag niya.

Ayon sa suspek, lasing siya kaya niya nagawa ang krimen.

"Napag-tripan ko lang. Inalis ko din ang kumot ng menor de edad at ginupit 'yung kaniyang panty," aniya.

Kakasuhan ang suspek ng robbery with attempted rape.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.