8 inmate, tumakas sa city jail sa Lamitan, Basilan

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 12:51 PM

Nakatakas ang 8 inmate sa Lamitan City jail pasado 8 a.m. ng Linggo. 

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City PNP, nakatakas ang mga preso habang tulog ang mga jail guard. 

Ayon pa kay Panapan, tinangay din ng mga preso ang dalawang M16 rifle ng mga guwardiya ng city jail. 

Sa walong presong nakatakas, isa ang may kasong murder at pito sa kanila ay may kaso sa ilegal na droga. 

Tinutugis na ng pinagsanib ng pwersa ng pnp at afp ang mga suspek. - May ulat si Jewel Reyes, ABS-CBN News