Kagawad patay sa pamamaril sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2018 06:26 PM | Updated as of Jul 07 2018 06:44 PM

Patay si barangay kagawad Michael Magallanes matapos pagbabarilin sa Zamboanga City, Sabado ng umaga.

Patay sa pamamaril ang isang incumbent barangay kagawad sa Barangay Santa Catalina, Zamboanga City Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Michael Magallanes na papunta sana sa isang feeding program sa Sitio Lustre sa nasabing barangay nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, gumamit ang gunman ng kalibre-.45 na pistol. Nakakuha naman ang mga imbestigador ng 8 basyo ng bala sa crime scene.

Kauupo lamang ni Magallanes bilang kagawad noong Hunyo 30. Katatapos lang din ng termino niya bilang presidente ng Rotary Club sa lungsod nitong Hulyo.

Nagsilbi rin siya bilang barangay treasurer bago maging kagawad. --Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.