Bahagi ng Romblon State University natupok

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2018 09:10 PM

MANILA—Tinatayang nasa P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na sumiklab sa bahagi ng isang building sa Romblon State University nitong Sabado.

Ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ala-1:45 ng hapon sa ikalawang palapag ng administration building ng pamantasan sa Barangay Liwanag, sa bayan ng Odiongan.

Natupok ang buong ikalawang palapag ng building na naglalaman ng mga accounting records. Nandito rin ang registrar's office ng unibersidad.

Alas-3 ng hapon nang tuluyang maideklarang fire out ang sunog. Wala namang nasaktan sa insidente.

Patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng sunog