Gusali sa Caloocan, nasunog

DZMM

Posted at Jul 07 2017 07:42 PM

Pitong unit ng dalawang palapag na commercial-residential building ang natupok ng apoy sa Caloocan City nitong Biyernes.

Ayon kay Senior Inspector Bryan Poquiao, tumagal ng isang oras ang sunog sa kanto ng Benin at Maximo Street bago naapula.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma.

Kasama sa nasunog ang mga paupahan sa ikalawang palapag ng gusali, mga sari-sari store, dental clinic, pet shop at iba pa.

Tinatayang nasa P300,000 ang pinsalang idinulot nito.

Huwebes ng gabi nang masunog naman ang isang bahay sa likod ng apartment at inaalam po ng Bureau of Fire Protection kung may koneksiyon ito sa sunog kaninang umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.