Generator sets inihahanda na ng mga residente sa Tacloban

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2017 03:06 PM

Ilang residente na ng Tacloban City ang nagpapakumpuni ng kani-kanilang mga generator sets sa pangambang baka magtagal pa ang blackout sa kanilang lugar.

Karamihan sa kanilang mga generator ay nabili at nagamit pa nila matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda.

Samantala, tuloy pa rin at normal ang transaksiyon sa government offices kahit walang kuryente.

Walang pasok naman ang mga paaralan dahil iniinspeksyon ito ng City Engineer's Office upang malaman kung ligtas pa ang mga itong magamit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.