3 lalaking nanlaban sa mga pulis-Maynila, patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2016 01:12 PM

Patay ang tatlong lalaking sinasabing nanlaban sa mga pulis sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Maynila, Miyerkules.

Binaril ng mga pulis ang suspek na si Roger Ong sa Tondo matapos nitong magtangkang magpaputok. Nakuha kay Ong ang kanyang baril at 12 gramo ng shabu.

Dalawa pang lalaki ang nasawi sa hiwalay ng transaksyon sa Sta. Mesa, Manila.

Dead-on-the spot si alyas "Pangit" habang sa ospital binawian ng buhay ang umanoy kasabwat niyang si alyas "Nino"

- Umagang Kay Ganda, 7 Hulyo 2016