PatrolPH

Sanggol natagpuang patay sa ilog sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2022 03:23 PM | Updated as of Jul 06 2022 03:59 PM

Natagpuang patay at palutang-lutang ang isang sanggol sa ilog sa Legazpi City, Albay nitong Martes. Courtesy: Pierre de la Peña 
Natagpuang patay at palutang-lutang ang isang sanggol sa ilog sa Legazpi City, Albay nitong Martes. Courtesy: Pierre de la Peña 

Natagpuang patay at palutang-lutang ang isang sanggol sa isang ilog sa Albay, Martes ng hapon, ayon sa mga awtoridad. 

Sa report ng Albay Police Provincial Office, dalawang residente mula sa Barangay 16, East Washington Drive, Legazpi City ang nakakita sa sanggol habang tumatawid ng tulay sa nasabing lugar pasado alas-2 ng hapon. 

Pinagtulungan ng mga ito at ng mga residente sa lugar na marekober ang sanggol.

Ayon sa pulisya, babae ang sanggol at posibleng kaluluwal lang nito ng kaniyang ina nang itapon. 

Matapos dalhin sa simbahan, agad inilibing ng pulisya ang sanggol sa isang pampublikong sementeryo sa Legazpi.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang ina ng sanggol.

-- Ulat ni Karren Canon

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.