PatrolPH

P102-M halaga ng shabu nasabat sa CCP; 2 Chinese tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2022 10:46 PM

Larawan mula PNP-PIO
Larawan mula PNP-PIO

MAYNILA - Dalawang Chinese na lalaki ang inaresto matapos mahulihan ng P102 milyong halaga ng umano'y shabu sa isang buy-bust sa Maynila nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang mga suspek malapit sa terminal parking lot ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Nasa 15 kilo umano ang nakumpiskang ilegal na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.