Hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Barangay Rogongon sa Iligan dahil sa pagguho ng lupa.Larawan mula kay Kag. Cybee Serino
Gumuho ang bahagi ng bundok sa Sitio Bulaho, Barangay Rogongon sa Iligan Lunes ng gabi dahil na rin sa ilang araw na pag-ulan.
Natabunan ng lupa ang kalsada kaya walang sasakyang makadaan sa lugar.
Suwerte namang 'di inabot ng pagguho ng lupa ang dalawang bahay na nasa gilid lang ng kalsada.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, mahaba ang bahagi ng daan na natabunan ng lupa at ilang truckload din ng lupa ang kailangang hakutin.
Agad namang sinimulan ng Department of Public Works and Highways ang clearing operations para muling madaanan ang lugar.
Pinag-iingat naman ang mga naghahakot ng lupa, lalo’t may mga kawad ng kuryente na tinamaan ng pagguho ng lupa.
- Ulat ni Roxanne Arevalo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.