PatrolPH

Resort island sa Iloilo ginawang isolation facility

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 12:50 PM

Resort island sa Iloilo ginawang isolation facility 1
Mga COVID-19 patient sa isolation facility sa Concepcion, Iloilo. Retrato mula kay Concepcion Mayor Raul Banias

Mistulang nakabakasyon ang mga COVID-19 patient na tumutuloy sa isang resort na ginawang isolation facility sa bayan ng Concepcion, Iloilo.

Sa mga retrato mula kay Concepcion Mayor Raul Banias, makikita ang mga asymptomatic COVID-19 patient na nage-exercise sa magandang beach sa isla sa Barangay Malangabang.

Resort island sa Iloilo ginawang isolation facility 2
Retrato mula kay Concepcion Mayor Raul Banias

Nasa 86 umano ang COVID-19 positive na nananatili sa naturang pasilidad, na pinage-ehersisyo sa beach tuwing umaga para maiwasang makaranas ng depresyon.

Naniniwala si Banias na mas mabilis ang paggaling ng mga pasyente kung mayroon silang magagandang tanawin at sariwang pagkain.

Isa ang Western Visayas, na kinabibilangan ng Iloilo, sa mga rehiyong nakaranas kamakailan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.