PatrolPH

Pulis sa Davao de Oro, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 08:40 AM | Updated as of Jul 06 2021 12:01 PM

Pulis sa Davao de Oro, patay sa pamamaril 1
Nasa isang auto repair shop ang biktimang pulis nang pagbabaliran ng hindi pa nakikilalang salarin sa Nabunturan, Davao de Oro. Larawan mula sa Nabunturan Municipal Police Station

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Purok 14, Barangay Poblacion sa Nabunturan, Davao de Oro, Lunes ng tanghali.

Kinilala ni Police Major Jesser Vagilidad IV, hepe ng Nabunturan Police Station, ang biktima na si Cpl. Rex Emuy, 42-anyos, at nakatalaga sa Davao De Oro Provincial Drug Enforcement Unit.

Si Emuy ay nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan na kaniyang agarang ikinasawi.

Base sa imbestigasyon, nasa isang auto repair shop ang biktima nang dumating ang salarin at pinagbabaril ang pulis.

Narekober ang limang basyo ng kalibre .45 na baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

–​ Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.