MAYNILA — Mayroon pa umanong 16 complainant na kasama si Russel Mañosa laban sa pabrika sa Valenzuela City na dati niyang pinapasukan at nagpasahod sa kaniya ng mga baryang tig-5 at 10 sentimo.
Sabi pa sa TeleRadyo ni Mañosa, bukod sa kaniya ay may 2 pa siyang kasamahang sinuwelduhan din ng barya pero pinalitan din agad ito ng kompanya.
Ang iba naman ay sari-sari ang reklamo sa Nexgreen Enterprise. May nakatakda rin silang hearing sa linggong ito.
Sinabi naman ni Mañosa na tinanggap na niya ang inalok na trabaho ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa ibang kompanya.
Hinahanapan din aniya ni Gatchalian ng bagong trabaho ang kanyang mga kasama.
Maaalalang sinuspende ni Gatchalian ang operasyon ng kompanya at pinagpapaliwanag ito sa mga paglabag.
Sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, inisyuhan na ng compliance order, o utos na sumunod sa mga patakaran, ang pabrika.
Kapag hindi aniya ito sumunod ay irerekomenda niyang ipasara ang kompanya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, hanapbuhay, Valenzuela City, factory, Nexgreen Enterprise, Rex Gatchalian, manggagawa, employment, trabaho, suweldong barya, barya