PatrolPH

Labi ng mga nasawing sundalo sa C-130 crash sa Sulu, dinala sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 01:26 AM | Updated as of Jul 06 2021 01:52 AM

Labi ng mga nasawing sundalo sa C-130 crash sa Sulu, dinala sa Zamboanga City 1
Nakalagak sa sa loob ng Naval Forces Western Mindanao sa Zamboang City ang ilan sa mga labi ng mga nasawing sundalo sa C-130 crash sa Sulu noong Linggo.

Dinala sa Zamboanga City ang mga labi ng ilang mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng isang C-130 transport plane sa bayan ng Patikul, Sulu noong Linggo.

Nakalagak sa Tangan Gym sa loob ng Naval Forces Western Mindanao ang mga labi. Nakabalot ng bandila ng Pilipinas ang kabaong ng mga nasawing sundalo. 

Nananatili naman sa iba pang mga punerarya sa lungsod ang labi ng iba pang mga sundalo habang hinihintay ang resulta ng DNA test para sa kanilang pagkakakilanlan. 

Hindi na halos makilala ang ilan sa kanila dahil sa natamong sugat dulot ng pagbagsak at pagsabog ng C-130. 

Ngayong Lunes, pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasawing sundalo sa kanyang pagbisita sa lungsod. 

Binisita rin ng Pangulo ang mga sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital. 

Nangako ito na uunahin ng kanyang administraston ang pagbigay ng dagdag na benepisyo sa mga sundalo na nakadestino sa Mindanao.
 
Magsisilbi sanang dagdag pwersa ng 11th Infantry Division ang mga sundalo kaya sila ibiniyahe papuntang Sulu. 

—Ulat ni Leizel Lacastesantos

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.