PatrolPH

COVID-19 vaccination sa Camanava limitado dahil sa kulang na suplay

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 02:38 PM

COVID-19 vaccination sa Camanava limitado dahil sa kulang na suplay 1
Pagbabakuna ng A4 category o economic frontliners sa Baesa Elementary School, Caloocan City noong Hunyo 8, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Limitado ang operasyon ng pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa Camanava area sa ngayon, ayon sa mga lokal na pamahalaan sa lugar. 

Ang Caloocan City, wala munang schedule ng unang dose ng pagbabakuna ngayong Martes. 

Pawang ang mga naka-schedule lang ng second dose ang babakunahan. 

Nag-anunsiyo rin ang lokal na pamahalaan ng Navotas na mga nasa A1 hanggang A3 lang ang babakunahan nila, at pansamantalang ihihinto ang pagtuturok sa essential workers dahil sa limitadong suplay ng bakuna. 

Watch more on iWantTFC

Ang mga naka-schedule namang higit 3,000 residente para sa una at ikalawang dose sa pitong vaccination site ang babakunahan sa Malabon. 

Sa Valenzuela City, tuloy ang pagtuturok sa siyam na COVID-19 vaccination sites, pero para lang muna ito sa mga babakunahan ng second dose.

Ayon kay Dra. Beng Cruz, ang team leader ng kanilang vaccination program, paubos na rin ngayong linggo ang suplay nila ng ikalawang dose ng Sinovac.

Nag-anunsyo rin ang LGU sa kanilang social media account na habang naghihintay ng karagdagang suplay ng bakuna, hindi muna ito mamamahagi ng vaccination appointment para sa mga tatanggap ng unang dose sa lahat ng vaccination site sa lungsod.

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.