PatrolPH

Chinese national patay sa sunog sa cold storage area sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 03:51 PM

Chinese national patay sa sunog sa cold storage area sa Davao City 1
Umaga ng Lunes nang sumiklab ang malaking apoy at napakaitim na sunog sa cold storage area ng SLK Corporation. Isang Chinese national ang natukoy na namatay sa insidente. Courtesy: Niño Benalayo Abella

Patay ang isang Chinese national matapos masunog ang isang cold storage sa Davao City niong Lunes, sabi ng awtoridad.

Umaga nang sumiklab ang malaking apoy at napakaitim na sunog sa cold storage area ng SLK Corporation sa Purok 1A, Barangay Bunawan Proper. 

Umabot sa 4th alarm ang sunog dahil sa tindi ng apoy na lumamon sa buong gusali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Davao (BFP - Davao), nitong Martes ng tanghali nakita ang bangkay ng isang Chinese national, na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sugatan naman ang isang empleyado na si Gang Lin.

Umabot sa P35 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala ng sunog.
Halos 7 oras bago naapula nang tuluyan ang apoy.

Inaalam pa ng BFP - Davao ang sanhi ng sunog, pero isa umano sa mga tinitingnan ang pagwe-welding bago nangyari ang trahedya.

-- Ulat ni Hernel Tocmo 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.