PatrolPH

Babaeng naghanap lang ng cellphone signal, natagpuang patay sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 02:47 PM

Babaeng naghanap lang ng cellphone signal, natagpuang patay sa Leyte 1
Retrato mula sa Albuera police

Natagpuang patay ang isang menor de edad na babae sa Albuera, Leyte matapos maiulat na nawawala habang naghahanap ng cellphone signal, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Ayon sa Albuera police, nahanap noong umaga ng Biyernes sa Barangay Poblacion ang bangkay ng babae na ginilitan sa leeg.

Base sa imbestigasyon, umaga ng Huwebes nang magpaalam ang biktima sa mga magulang niya na maghahanap ng cellphone signal kasama ang kapatid na lalaki.

Iniwan saglit ng kapatid ang biktima, at nang balikan ay nawala na ito.

Sumuko naman sa Albuera police ang suspek sa pagkamatay ng babae.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen, kung saan kasama sa mga inaalam ay kung ginahasa ang biktima bago patayin.

Nabatid sa imbestigasyon na nawawala ang cellphone ng biktima.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

 FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.