Kasalan sa gitna ng pandemya? #MaskWedding sagot ng Makati city government

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2020 05:16 PM


MAYNILA - Kung nais pa ring ituloy ang kasalan sa gitna ng mga regulasyon sa mga pagtitipon sa patuloy na COVID-19 pandemic, may sagot ang Makati city government: ang mask wedding. 

Ayon sa Facebook post ng siyudad, maaring magpalitan ng "I do" ang magkasintahan sa civil wedding rites kasama si Makati City Mayor Abby Binay, kailangan lamang sumunod sa ilang requirements. 

  1. Kumpletuhin ang requirements sa pagpapakasal na ibibigay ng City Civil Registration Office (CCRO).
  2.  Magbayad ng P100 at dumalo sa isang seminar tungkol sa Family Planning na isinasagawa ng Makati Social Welfare Department (MWSD).
  3. Mag-apply ng marriage license sa CCRO.
  4. Matapos makumpleto ang proseso, i-eendorso ng CCRO ang mga dokumento sa Office of the Mayor (OM).
  5. Hihingan kayo ng tatlong petsa na pagpipilian. Ang alkalde ang magtatakda ng petsa at tatawagan kayo ng kawani ng OM para sa araw ng inyong kasal.

 

Sa araw ng kasal, mahigpit na dapat sundin ang physical distancing at iba pang safety measures, ayon sa City Hall. 

Para sa mga katanungan hinggil sa proseso, inaanyayahan ang mga nais magpakasal na tumawag sa OM sa 8870-1102 o CCRO sa 8870-1305.

Matatandaang ipinagbawal ang mga pagtitipon nang higit dalawang buwan sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, nang ipinatupad ang enhanced community quarantine. 

Pinayagan naman ang limitadong mga pagtitipon nang ibaba ang restrictions sa ilalim ng general community quarantine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.