Bus na may sakay na locally stranded individuals, naaksidente sa Samar

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2020 11:58 PM | Updated as of Jul 07 2020 12:41 AM

Naaksidente Lunes ng madaling araw ang bus na sinasakyan ng 21 locally stranded individuals sa Sta. Rita, Samar.

Galing sa Maynila ang bus at patungo sa Mindanao.

Ayon kay Samar Police Provincial Director Col. Andre Dizon, alas-tres ng madaling araw nang mawalan nang kontrol ang Partas bus sa pakurbang bahagi ng Maharlika Highway sa Sitio Cantaba, Barangay Caticugan.

Dumausdos ang bus sa gilid ng kalsada at tumama sa isang bahay. Nahagip din ang mga wire ng isang telecom company.

Ligtas naman ang lahat ng mga pasahero.

Inilipat ang mga LSI sa ibang bus patungo sa kanilang mga destinasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.