TINGNAN: Mga sisiw nagdulot ng matinding trapiko sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 04:54 PM

MAYNILA—Nagdulot ng matinding trapiko sa isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga sisiw na nakawala sa isang truck na bumabaybay sa naturang kalsada.

Sa isang tweet ng netizen, nangyari ang insidente nitong Sabado sa northbound lane ng NLEX malapit sa Bocaue tollgate.

Pansamantala umanong natigil ang pag-usad ng trapiko sa lugar habang sinasalba ang buhay ng mga sisiw.

Batay sa ulat ng netizen, maraming sisiw na ang napisat nang makawala sa expressway.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.