Jeep na-stranded sa ilog sa Davao Del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 01:52 AM

 

DAVAO DEL SUR - Isang pampasaherong jeep ang pinalibutan ng rumaragasang tubig sa isang ilog sa bayan ng Magsaysay Biyernes ng hapon.

Sa post ng isang opisyal ng munisipyo na si Anthony Allada, pinilit ng drayber ng jeep na itawid ang sasakyan sa Bulatukan River.

"Sinubukang tumawid ang jeep na kargado ng mga pasahero at walong sako ng bigas galing Bansalan sa Tacul, Magsaysay," ani Allada.

Ligtas naman ang mga pasahero dahil nakababa na sila bago pa man dumaan sa ilog ang jeep.

Malakas ang ulan sa bundok kaya tumaas at naging malakas ang agos ng tubig sa ilog.

Sinubukan ng isang dump truck na saklolohan ang jeep pero sa lakas ng agos ng tubig, ay nadamay rin ito.

Nahila naman ng isang grader at backhoe ng munisipyo ang jeep mula sa ilog pagkalipas ng 30 minuto.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente. - Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.