4 na mangingisdang Pinoy nasagip ng Japanese vessel sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2019 05:56 PM

GOVERNOR GENEROSO, Davao Oriental - Apat na mangingisda na 5 araw nagpalutang-lutang sa dagat matapos lumubog ang kanilang bangka ang nasagip ng isang Japanese vessel malapit dito sa bayan, Biyernes.

Kinilala ang mga nasagip na mangingisda na sina Divino Danda, Boyet Bangcas, Manolito Diance at ang menor de edad na apo ni Danda.

Lumubog ang bangka ng mga mangingisda matapos itong hampasin ng malaking alon, ani Danda.

Ginamit ng mga lalaki ang mga ice box na paglalagyan sana ng mga isda bilang pampalutang, dagdag niya.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang mga mangingisda 80 nautical miles mula sa silangang bahagi ng Cape San Agustin.

Plano ng Philippine Coast Guard na parangalan ang Japanese vessel na sumaklolo sa mga mangingisda.

Binigyan naman ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima ng ayuda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.