PatrolPH

Phivolcs: Phreatic eruption sa Bulkang Kanlaon posible

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2022 11:33 AM

Watch more News on iWantTFC


Posibleng magkaroon ng biglaang pagputok ng steam sa Bulkang Kanlaon sa Negros island, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Nagpapakita ng "bahagyang aktibidad" ang bulkan, ayon isang bulletin ng Phivolcs ngayong Martes. 

Mula alas-5 ng umaga nitong Lunes hanggang alas-5 ng madaling-araw ngayong Martes, nakapagtala ang ahensya ng 17 volcanic earthquake sa Kanlaon. 

Naobserbahan din ang "bahagyang pamamaga" ng bulkan, gayundin ang "katamtamang pagsingaw" na may 300-metrong taas at napadpad sa hilagang-kanluran, dagdag ng Phivolcs. 

"Maaaring maganap ang mga sumusunod: biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions," babala nito. 

Bawal pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone ng bulkan at hindi rin dapat dumaan malapit sa crater ang ano mang aircraft, paalala ni Mari-Andylene Quintia, resident volcanologist ng Phivolcs na nakabase sa La Carlota City, Negros Occidental. 

— May ulat ni Romeo Subaldo
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.