PatrolPH

Mahigit P3-milyong halaga ng shabu, nasabat sa Imus

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2021 08:54 AM | Updated as of Jul 05 2021 09:11 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nasabat ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaki at isang babae sa anti-drug operation sa Imus City, Cavite noong Biyernes ng hapon.

Kapwa miyembro ng drug syndicate ang mga nahuling sina alyas Jam at alyas Lovely, ayon sa pulisya.

Dagdag nito, pinagbebentahan ng grupo ng mga suspek ang Calabarzon, Metro Manila at iba pang katabing probinsya. 

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.