PatrolPH

Tinulak daw ng kaibigan: Lalaki patay matapos malunod sa hot spring sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2021 05:51 PM

Tinulak daw ng kaibigan: Lalaki patay matapos malunod sa hot spring sa Bataan 1
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung may pananagutan ang nagtulak na kaibigan. Courtesty of Gracie Rutao

MARIVELES, Bataan — Patay ang isang lalaki sa bayang ito nitong Linggo matapos itulak ng kaniyang kaibigan sa isang hot spring, na naging sanhi daw ng pagkalunod nito. 

"Tinulak daw, sabi nung ibang nakakita. So tiningnan namin yang review ng CCTV. Nakita nga namin na tinulak nga yung bata ng isang binata," ani Danilo Magat, deputy chief tanod ng Barangay Balon Anito.

Pero ayon sa ilang nakakita, nakuha pang nakaahon saglit ng biktimang si Kevin Reyes, 25.

"Pagtulak po sa kaniya, lumubog po siya mga 3 minutes, tapos lumutang po siya. Paglutang po niyo, nagmura pa siya," ani alyas "Edwin," isa sa mga nakakita.

Matapos n'on, hindi na umano lumutang ang biktima. 

Dahil sinabayan ng pag-ulan ang paghahanap, inabot nang halos 2 oras bago nakuha ang bangkay ni Reyes.

Ayon sa barangay, inaalam pa nila kung nagkainuman ang magkakaibigan nang mangyari ang insidente. 

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung may pananagutan ang nagtulak na kaibigan. 

Hinihintay rin ang kopya ng death certificate ng biktima para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

—Ulat ni Gracie Rutao 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.