PatrolPH

Karangalan Market sa Cainta isinara matapos may mag-positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2020 11:50 AM

Nakasara ngayong weekend ang Karangalan Market sa Cainta, Rizal matapos magpositibo sa coronavirus disease ang isang empleyado ng pamilihan, ayon kay Mayor Kit Nieto.

Apat na araw na lockdown, na magtatapos sa Lunes (Hulyo 6), ang isinagawa sa market para bigyang daan ang pag-disinfect sa establisimyento.

Sa pinakahuling tala ng Cainta local government, may 60 active cases ng COVID-19 sa bayan, kung saan 15 ang naka-admit sa mga ospital habang 45 naman ang naka-home quarantine.

Noong Martes, isinailalim din sa 14-day lockdown ang Antipolo New Public Market matapos magpositibo sa COVID-19 ang 18 vendors.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.