PatrolPH

Tattoo artist timbog sa Davao City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 04:26 AM

DAVAO CITY—Arestado ang isang tattoo artist sa buy-bust operation sa Barangay Catalunan Grande, Davao City Huwebes ng hapon.

Nasamsam sa 21 anyos na lalaki ang 65 gramo ng hinihinalang marijuana.

Ayon sa pulisya, ibebenta na sana ng suspek ang droga sa kaniyang mga parokyano pero naudlot ito dahil sa operasyon. 

Inaalam pa nila kung sino ang supplier ng suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.