PatrolPH

P6.8 milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 12:48 AM

MAYNILA—Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite Huwebes ng gabi.

Nahuli rin mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 2 lalaki sa isang parking lot ng isang mall.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service director Levi Ortiz, isang Chinese national na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang umano'y source ng droga.

Modus operandi ng mga suspek ang paggamit ng high-end na sasakyan sa kanilang mga operasyon.

Ginamit muna ng mga suspek ang isang sports utility vehicle (SUV) nang makipagkita sa nagpanggap na buyer at saka sila nagpalit ng sasakyan nang ibigay ang droga.

Itinanggi naman ng mga hinuli na sangkot sila sa pagtutulak at sinabing napag-utusan lamang sila.—Ulat ni Arrra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.