PatrolPH

Huling operasyon sa daliri ni Liza Soberano, matagumpay

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 09:44 PM | Updated as of Jul 05 2019 09:45 PM

Watch more on iWantTFC

Naging matagumpay ang pangalawa at huling finger operation ng aktres na si Liza Soberano sa Amerika noong Hulyo 4 sa Amerika.

Pinasailalim ni Soberano sa "fusion" operation ang kaniyang daliri – kung saan kumuha ang mga doktor ng buto sa kaniyang balakang o pigi, at pinalit sa kaniyang nasirang buto sa daliri.

Ayon sa kaniyang doktor, dalawang linggo ang recovery period ng daliri, depende sa bilis ng paggaling o paghilom ng sugat. Matapos noon ay maaari nang umuwi ang aktres sa Pilipinas.

Bago ang kaniyang operasyon, inatake ng anxiety ang aktres, ayon sa kaniyang tita na si Jonie.

Eksklusibo ring ipinakita ni Soberano sa ABS-CBN News ang retrato ng kaniyang daliri matapos ang kaniyang operasyon.

Binabagabag ang isip noon ni Soberano ng mga posibleng problema o limitasyong maaaring mangyari sa kaniyang magiging kilos pagkatapos ng operasyon.

Pero ngayon, tuloy-tuloy na ang paghihilom ng aktres, bago simulan ang teleserye niya kasama si Enrique Gil.

Pasasalamat ang hatid ni Soberano sa mga panalangin para sa kaniyang agarang paggaling.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.