PatrolPH

Dengue outbreak idineklara sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 06:03 PM | Updated as of Jul 05 2019 09:42 PM

Nagdeklara na ng dengue outbreak ang buong lalawigan ng Iloilo, dahil sa halos 4,000 kasong naitala sa probinsiya.

Watch more on iWantTFC

Biyernes nang pirmahan ni Iloilo Gov. Arthur "Toto" Defensor ang Executive Order No. 016.
 
Base sa record ng Provincial Health Office, simula Enero 1 hanggang kasalukuyan mayroong 3,897 ang naitalang kaso ng dengue at 18 sa mga ito ang namatay.

Dahil sa deklarasyon, inatasan ang lahat ng district hospital na magbigay ng libreng serbisyong kinakailangan sa mga pasyente.

Inatasan din ang lahat ng local government units na magsagawa ng kontra dengue drive kada Sabado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.