Dengue outbreak idineklara sa 2 barangay sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 10:02 PM

ILOCOS NORTE—Idineklara ng lokal na pamahalaan Biyernes na may dengue outbreak sa 2 barangay sa bayan ng Badoc matapos ang sunod-sunod na kaso ng dengue sa mga nasabing lugar mula Mayo hanggang Hunyo.

Nagtala ang Barangay Camanga ng 15 kaso ng dengue, habang ang Barangay Saud ay nagtala ng 10.

Puspusan ngayon ang paglilinis ng mga residente ng 2 barangay para mapigilan ang pagtaas ng bilang kaso ng dengue sa kanilang barangay.

Paalala ng health office ng probinsiya, maagang magpakonsulta sa doktor kung may mga sintomas ng sakit katulad ng taas-babang lagnat ng higit sa dalawang araw, pagsusuka, rashes, at pagdurugo. — Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.